BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, January 25, 2011

nakaraan ay mahalaga;pero bukas ay ligaya

Nakaraan ay Mahalaga;Pero Bukas ay Ligaya
Buhay ay parang ulap sa kalangitan, nag-iiba ang kulay;depende sa lagay ng panahon. May mga taong hindi maiwan ang nakaraan dahil sa iniingatan nilang,isang mahalagang bagay.Meron ding taong sabik sa kinabukasan dahil sa masama nilang naranasan sa nakaraan. Bawat tao ay iba’t iba ang minimithi pero iisa lang ang mahalaga ang harapin ang bukas ng walang alinlangan. Kahit anong problema ang ating kinakaharap, ito ay ating kakayanin.


Ngayong 2011, may kakaharapin na naman tayong bagong pagsubok sa buhay. Hindi lamang sa ekonomiya kundi sa ating sarili rin. Maraming tao ang nagsasabing magbabago na sila,ngunit hindi ginagawa.May mga tao ring nagsasabi na hindi na sila magbabago.Kung wala tayong pagmamahal sa ating sarili,paano kaya natin mamahalin at yayakapin ang bukas?Ang sabi nga nang iba “Bukas ay Pag-asa”.Kaya,ngayong bagong taon,sikapin nating magbago at mahalin ang sarili para ang ating bukas ay maligaya.

Bagong taon ay kahulugan sa pagbabago ng katauhan ng tao sa loob o sa labas man nang iyong katawan.Hindi ibig sabihin na ibaon mo sa limot ang lahat nang iyong nakaraan,pati na ang lahat na ang masasayang pangyayari na hindi mo malilimutan.Ito ay upang mabago mo ang iyong mga maling gawain,maliit man o malaki.Huwag lang ninyong iasa sa mga hula ang inyong buhay.Ang nakaraan ay mahalaga,pero sa bukas makakamtan ang kaligayahang hindi matatawaran.

Ang panahon ay hindi kumukupas,kahit maraming taon pa ang magdaan.Hindi man tayo magbago,ituloy lang natin ang ating sinimulan.Kung kaya nating magbago,simulan natin sa maayos na pamamaraan.Walang nagpipilit sa atin na magbago,tayo ang may hawak sa ating kinabukasan.Lahat nang tao ay kayang magbago,meron ngang kasabihan na kung may “Itinanim merong Aanihin”.



Maunlad at Masaganang Bagong Taon!

0 comments: